-- Advertisements --

Nilinaw ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na walang dibisyon sa hanay ng militar.

Sa isang statement, tinawag ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas ang mga claim ng pagbawi ng suporta kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at paglipat ng suporta kay Vice President Sara Duterte bilang fake news at disinformation na idinisenyo para lituhin, mawala ang tiwala at maghasik ng dibisyon sa mga matataas na opisyal ng militar at sa mga mamamayang Pilipino.

Sa kabila nito, binigyang diin ng militar na nananatili silang nagkakaisa, propesyunal at non-partisan.

Giit ng AFP na ang kanilang katapatan ay sa Konstitusyon at sa mamamayang Pilipino at hindi sa sinumang pulitiko o anumang political agenda.

Hinimok din ng AFP ang publiko na maging vigilant at iberipika lamang ang natatanggap na impormasyon mula sa mapagkakatiwalaan at official source at iwasang magbahagi ng mga hindi beripikadong content na magpapalala lamang ng pagkakahati-hati at kaguluhan.