-- Advertisements --
Nakatakdang isyuhan ng Department of Justice (DOJ) ng subpoena sina Senator Jinggoy Estrada at dating Senator Ramon Revilla Jr. sa susunod na linggo.
Kinumpirma ito ni Prosecutor General Richard Fadullon sa isang pulong balitaan ngayong Sabado, Enero 17.
Aniya, ipapatawag sina Estrada at Revilla kaugnay sa kanilang kinakaharap na magkahiwalay na reklamong plunder kaugnay sa flood control corruption scandal, na inihain ng National Bureau of investigation (NBI).
Hudyat naman aniya ito ng pagsisimula na ng preliminary investigation para sa naturang mga reklamo.
Nauna naman ng itinanggi nina Revilla at Estrada ang pagkakasangkot nila sa maanomaliyang flood control projects.
















