-- Advertisements --

Kinumpirma ng Food and Drug Administration (FDA) na nakatanggap ito ng 25 ulat kaugnay ng boluntaryong pagre-recall ng ilang batch ng Nan Optipro at Nankid Optipro na gatas para sa sanggol at bata.

Sa mga ulat na ito, 18 ang may kinalaman sa mga isyung pangkalusugan na naranasan ng mga bata matapos uminom ng mga apektadong produkto.

Kabilang sa mga naiulat na sintomas ang pagsusuka, pagtatae at pananakit ng tiyan, at may ilang kaso na kinailangang gamutin sa ospital.

Kaugnay nito, tiniyak ng FDA na patuloy nitong sinusuri ang lahat ng ulat at nakikipag-ugnayan sa mga kaukulang ahensya, gayundin sa Nestlé Philippines, Inc., upang masigurong maayos na naipapatupad ang pag-recall sa naturang mga produkto.

Pinapayuhan din ang mga magulang at caregiver na bantayang mabuti ang kalusugan ng mga bata at agad magpatingin sa doktor kung makaranas ng sintomas.