Inihayag ng Bureau of Internal Revenue na kanila ng isinasama sa istahan ng Value Added Tax exemption ang ilan pang karagdagang medisina para sa mga sakit na Cancer, Diabetes, Hypertension, Kidney Disease at Tuberculosis.
Sa isinapublikong pahayag ng kawanihan, kanilang sinabi na sila’y nag-isyu ng isang Revenue Memorandum Circular upang maidagdag ang ilang gamot na siyang hindi na mabibilang sa may kinakailangan pang bayaran ng VAT o buwis.
Anila’y kanila itong ginawa sa pag-endorso na rin ng Food and Drug Administration o FDA ng Department of Health o DOH.
Kaya’t bunsod nito’y agarang ipapatutupad ang VAT exemption sa ilang mga piling medisina sa oras na mag-isyu ang FDA na isang corresponding advisory hinggil rito.
Ayon naman kay Bureau of Internal Revenue Commissioner Romeo D. Lumagui Jr, buo umano ang suporta ng kawanihan sa Department of Health at Food and Drug Administration upang mas mapagbuti ang pampakalusugan ng bawat Pilipino.