Nakapagtala ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng double-digit revenue growth nitong buwan ng Setyembre 2026.
Ayon sa ahensiya, umabot sa mahigit P203.58 bilyon ang naitala nitong gross collections sa naturang buwan.
Ang naturang halaga ay mas mataas ng P20.06 bilyon o 10.93% kumpara sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Para kay BIR Commissioner Charlito Martin Mendoza, malaking bahagi ng double-digit revenue growth ay dulot ng boluntaryong pagsunod ng mga taxpayer sa mga tax policy ng pamahalaan, at mas mahigpit na revenue collection.
Bahagi rin ito aniya ng pagpapatupad ng BIR ng mga programang nagbibigay ng tulong para mapadali ang pagbabayad ng buwis.
Hanggang nitong Setyembre 2026, umabot na sa P2.465 trillion ang kabuuang koleksiyon ng BIR.
Mas mataas ng ito ng P130.37 bilyon o 5.58% kumpara sa kaparehong panahon noong 2025.
















