-- Advertisements --

Kinumpirma ng Bureau of Internal Revenue na pinalawak pa nito ang listahan ng mga gamot na exempted sa value added tax.

Batay sa inilabas na Revenue Memorandum Circular No. 62-2025 ng ahensya, aabot sa karagdagang sampung gamot ang ibinilang ng BIR sa VAT-exempt list.

Ito ay kinabibilangan ng mga gamot sa cancer, diabetes, high cholesterol, hypertension, at mental illness .

Sa isang pahayag ay sinabi ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., kailangang makinabang ang mga Pilipino lalo na ang mga dumaranas ng chronic at mga nakamamatay na sakit.

Nabatid na ang VAT exemption ay ipinag-uutos ng Republic Act No. 10963, o ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Alinsunod rin ito sa Republic Act No. 11534 o mas kilala sa tawag na Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises Act.