-- Advertisements --

Itinalaga ng Department of Health (DOH) si Dr. Margarita “Meg” M. Gutierrez bilang bagong Director General ng Food and Drugs Administration (FDA).

Dating pinangunahan ni Gutierrez ang pagbuo ng Philippine Pharmacy Education Roadmap 2025-2030 at itinatag din niya ang kauna-unahan at natatanging programang Master of Science (MS) in Social and Administrative Pharmacy sa Pilipinas.

Ang mga pagbabagong ito ay tungo sa direksyon ng Unified National Agenda o UNA for Health kung saan magkatuwang ang DOH at FDA sa pagtitiyak na ang produktong ginagamit ng mga Pilipino ay nakaayon sa pamantayan at regulasyon.

Agad nitong sinimulan ang FDA RESET–bagong direksyon para sa ahensya na nakatutok sa pagpapahusay ng proseso ng regulasyon, pagpapatibay ng sistema, pagpapalakas ng kakayahan ng mga kawani, at digitalisasyon ng mga sistema at serbisyo.