-- Advertisements --

Nakabalik na sa trabaho si Department of Justice (DOJ) Undersecretary Jojo Cadiz noong Enero 5.

Ayon kay Justice spokesperson Polo Martinez, nananatiling undersecretary ng Immigration and Special Concerns Cluster si Cadiz.

Matatandaan, sa isang video message ni dating Ako Bicol Party-list Representative Elizaldy Co noong nakalipas na taon, isiniwalat niyang nag-deliver umano siya ng pera kay Cadiz na nakalaan para sa Pangulo.

Matapos ang rebelasyon ni Co, nagbitiw sa pwesto si Cadiz.

Nang matanong kung hindi tinanggap ng Pangulo ang resignation ni Cadiz, ipinaubaya ng opisyal ang pagsagot sa katanungan sa Palasyo Malacañang dahil hindi sa kagawaran isinumite ni Cadiz ang kaniyang resignation letter.