-- Advertisements --

Itinanggi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nagpapatupad sila ng loyalty check sa kanilang kawani.

Ito ay may kaugnayan sa pagkakasibak sa puwesto ni Colonel Audie Mongao dahil sa kontrobersyal na politikal na pahayag.

Ayon kay AFP spokesperson Colonel Francel Margareth Padilla na buo pa rin ang kanilang organisasyon at walang katotohanan na nagkaka-watak na sila.

Giit nito na nagkakaisa ang kanilang mga sundalo kung saan nananatili silang propesyonal at nagkakaisa.