Iginiit ni Gilberto Teodoro Jr. na walang direktang banta sa Pilipinas mula sa lumalalang sigalot sa Middle East, at walang basehan ang pangambang madadamay ang bansa dahil sa alyansa nito sa Estados Unidos.
Ayon sa kalihim, hindi maihahambing ang sitwasyon sa Middle East sa Indo-Pacific, at ang mga bilateral at multilateral alliances ng Pilipinas ay para lamang sa depensa at deterrence, hindi pakikilahok sa panlabas na digmaan. Nauna ring sinabi ng Armed Forces of the Philippines na walang agarang military threat sa pambansang seguridad.
Bilang pinuno ng Department of National Defense at chair ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, sinabi ni Teodoro na nakikipag-ugnayan sila sa Department of Migrant Workers at Department of Foreign Affairs para sa repatriation ng mga Pilipino sa apektadong lugar. (report by Bombo Jai)
















