Inaasahan ng Department of Justice na posibleng umabot sa lagpas isang bilyon at kalahating piso ang halagang pera na isasaoli ng mga testigo ng estado o state witness sa kaso ng flood control.
Ayon kay Justice Usec. Nicholas Felix Ty, ito aniya’y kung masusunod ang kasunduan ng kagawaran sa pagitan ng mga ito sa ilalim ng ‘Witness Protection Program’.
1.5 billion Pesos ang makukuha ng pamahalaan na ibabalik ng apat na naitalagang ‘state witnesses’ sa flood control projects anomaly cases.
Sa kasalukuyan, mayroon apat nang inanunsyo ang Department of Justice sa kung sino ang tatayo at napiling ‘state witness’ para sa mga kaso.
Ito’y sina former Department of Public Works and Highways Undersecretary Roberto Bernardo, Henry Alcantara, Gerard Opulencia at kontratistang si Sally Santos.
Mula sa inaasahang kabuuang halaga ng isasaoling pera, ang isang bilyon aniya rito ay manggagaling kay former Usec. Bernardo.
Nitong nakaraan Martes ay nagsaoli na ito ng 35 million pesos bilang kabayaran sa napagkasunduan 150-million pesos na restitution.
Subalit ayon sa kagawaran, pangako nito na aabot sa 1-bilyon piso halaga naman ang kabuuang pera ire-restitute ni Bernardo.
Habang sa naganap na pulong balitaan ng kagawaran, inanunsyo ni Justice Secretary Fredderick A. Vida na aabot sa P316, 381, 500 ang kabuuan halaga sa nakolekta o naiturn-over ng ‘restitution money’ mula sa maanomalyang flood control projects.
Aniya’y karagdagan ito sa mga ibinahagi ng mga ebidensya ng mga ‘state witness’ para mabuo ng husto ang mga kasong isasampa sa korte.
Pagtitiyak naman ng naturang kalihim na ang lahat ng mga natanggap na isinaoling pera ay dokumentado o may resibo.
Aniya’y matapos maiturn-over sa kagawaran, idinala na milyun-milyon halaga ng pera sa Bureau of Treasury.
Kung kaya’t binigyang diin pa ni Justice Secretary Vida na hindi ito ang kabuuan bagkus inaasahan pang madaragdagan sa darating at susunod na panahon.
















