-- Advertisements --

Inihayag ng mga legal expert, may kapangyarihan ang Kongreso na asikasuhin ang impeachment proceedings laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at VP Pres Sara Duterte.

Papalapit na ang Pebrero 16, ang petsa na pinahintulutan ng Korte Suprema para muling simulan ang impeachment laban kay Duterte. Samantala, inihain ni House minority Rep. Edgar Erice ang posibleng impeachment case laban kay Marcos kaugnay ng umano’y pagtataksil sa tiwala ng publiko sa pambansang budget.

Sinabi ni Rep. Chel Diokno na tungkulin ng House na suriin ang mga reklamo bago ito i-impeach, habang ang Senado ang may kapangyarihan na hatulan ang pagkakasala.

Ayon naman kay dating IBP president Domingo Cayosa, puwede ang sunod-sunod o magkakasabay na impeachment proceedings, at ang scheduling ay nasa Committee on Justice at plenaryo ng House.

Hinimok ng parehong abogado ang Korte Suprema na tapusin ang motions for reconsideration sa 2025 impeachment laban kay Duterte, dahil magiging gabay ito sa mga susunod na kaso.

Mananatili sa pwesto ang opisyal na na-impeach hangga’t hindi nahahatulan ng Senado bilang impeachment court. (report by Bombo Jai)