-- Advertisements --

Personal na dumalo ang dating kalihim ng Department of Public Works and Highways na si Manuel Bonoan sa isinagawang preliminary investigation sa Department of Justice ngayong araw.

Kinakaharap nito ang reklamong ‘plunder’ na isinampa laban sa kanya kaugnay sa isyu ng korapsyon may kinalaman sa maanomalyang flood control projects.

Sa panayam, kanyang kinumpirma ang pagsusumite sa prosekusyon ng ‘counter-affidavit’ hinggil sa reklamo.

Kaugnay sa ‘plunder case’, kapwa niya respondent dito ang mambabatas na si Sen. Jinggoy Estrada.

Bukod kay Estrada, kabilang rin sa mga respondents maging mga state witnesses na sina former Public Works Use. Roberto Bernardo, Gerard Opulencia, at Henry Alcantara.

Pati ang yumaong si dating DPWH Usec. Catalina Cabral ay respondent din sa reklamo.

Maliban sa plunder, kanilang kinakaharap pa ang paglabag sa Section 3(e) ng Republic Act 3019 o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act, reklamong Direct Bribery and Receiving Gifts by Public Officers at Corruption of Public Officers.

Nakatakda naman ang susunod na preliminary investigation sa ika-23 ng Pebrero 2026.