Lumalabas na suicide ang dahilan ng pagkamatay ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) USec. Catalina Cabral.
Ito ang inihayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla ngayong Lunes, Disyembre 22, base sa imbestigasyon sa ngayon ng mga awtoridad.
Ayon sa kalihim, lahat ng sinyales ay suicide ang itinuturong sanhi ng pagkamatay ng dating opisyal.
Nauna ng kinumpirma ni Sec. Remulla na base sa resulta ng autopsy sa labi ni Cabral, lumalabas na blunt force trauma ang kaniyang ikinamatay matapos mahulog sa isang bangin sa may Kennon Road, Tuba, Benguet noong Disyembre 18.
Matatandaan, kabilang si Cabral sa idinadawit sa maanomaliyang flood control projects at umano’y nakatanggap ng kickback mula sa mga proyekto.















