-- Advertisements --

Pinahiya ng Gilas Pilipinas ang home team na Thailand 70-64 para makamit ang gintong medalya sa finals ng Southeast (SEA) Games.

Hindi tumigil ang Gilas na mahabol at maipanalo ang laban kung saan umabot ppa sa 13 puntos ang lamang ng home team.

Nanguna sa panalo ng Gilas Pilipinas si Jamie Malonzo na nagtala ng 17 points at 12 rebounds habang mayroong 14 points si Mathew Wright at 10 points si Robert Bolick.

Ito na ang pang-20 na SEA Games basketball gold medals ng Gilas Pilipinas.