-- Advertisements --
Pinahiya ng TNT Tropang Giga ang Magnolia HotShots 94-83 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup.
Dahil sa panalo ay abanse na ang TNT sa twice to beat advantage sa quarterfinals.
Hindi rin pinaporma ng Tropang 5G ang unang paglalaro ni LA Tenorio bilang playing coach.
Nanguna sa panalo ng TNT si Jordan Heading na nagtala ng 23 points habang mayroong 17 points at siyam na rebounds si Calvin Oftana.
Sinabi ni TNT coach Chot Reyes nasa mindset na nila na kailangan nila ng dalawang panalo.
Nasayang naman ang ginawang 17 points ni Zev Lucero at 16 points ni Ian Sanggalang para sa Magnolia.















