-- Advertisements --

Kinumpirma ng pamunuan ng Philippine National Police na magpapakalat ito ng aabot sa mahigit dalawang libong tauhan sa isasagawang Christmas gift-giving ng Duterte Family.

Ayon sa Davao Police ,pinaghahandaan na nila ang naturang event .

Inaasahang dadaluhan ito ng libo-libong indibidwal mula sa iba’t-ibang bahagi ng rehiyon.

Nakatakda rin mag deploy ng tauhan ang PNP sa ancestral house ng pamilya Duterte sa Davao sa Christmas Eve, December 24 dahil sa inaasahang mga bisita na magtutungo doon.

Una nang sinabi ni Vice President Sara Duterte na isasagawa nila ang kanilang taunang gift giving sa kabila ng kalagayan ng kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Si Duterte ay kasalukuyang naka detene sa ICC sa The Hague, Netherlands dahil sa kinakaharap nitong kasong Crimes Against Humanity dahil sa pagpapatupad nito ng war on drugs sa bansa sa ilalim ng kanyang administrasyon .