Tiniyak ng Office of the Ombudsman na nakatuon pa rin ang atensyon nito sa pagkalap ng mga ebidensya at patuloy na imbestigasyon kaso ng maanomalyang flood control projects.
Ayon mismo kay Ombudsman Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla, ang mahalaga aniya raw ay ang makukuha nilang mga ebidensyang posibleng magamit sa pag-iimbestiga.
Kung saan di’ papaapekto ang tanod-bayan sakali man magkaroon ng pagbabago sa liderato ng senado, magugunitang naging usap-usapan kamakailan.
Pag’ natuloy kasi ang pagbabago ng liderato, posibleng mapalitan ang mga tagapangulo o ang ‘chairmanship’ sa bawat kumite.
Kabilang na rito ay ang Senate Blue Ribbon Committee, pinamumunuan ni Senador Panfiulo ‘Ping’ Lacson, nakatutok sa imbestigasyon at mapanagot mga sangkot sa flood control.
Subalit sa kabila nito’y paglilinaw ni Ombudsman Boying Remulla na anuman ang mangyari ay hindi sila nakadepende lamang sa senado.
Nagkataon lamang raw na may nasimulan ng imbestigasyon ang nabanggit na komite kung kaya’t nakikitaan rin ng halaga o maaring makatulong sa tanggapan.
Habang kinumpirma ni Ombudsman Remulla ang pakikipag-ugnayan ng ahensya sa Senate Blue Ribbon Committee kamakailan.
Ngunit hindi aniya siya ang personal na nagpunta kundi si Assistant Ombudsman Mico Clavano, na siyang nakipag-usap.
Dagdag pa niya’y mahalaga ang ugnayan sa pagitan ng komite sapagkat nakakakuha raw dito o lumalabas ang ilang mga testigo sa isinagawa nitong mga pagdinig.
Sa kasalukuyan tuloy-tuloy pa rin ang imbestigasyon ng Office of the Ombudsman ukol sa kaso ng maanomalyang flood control.
Maging at pati pagkalap ng mga ebidensya ay patuloy ring isinasagawa upang mabuo ang mga kaso pang isasampa laban sa mga sangkot na indibidwal sa korapsyon.
















