-- Advertisements --

Tinawag ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Ma. Theresa Lazaro na “bahagi ng ingay ng demokrasya” ang mga pahayag ng ilang mambabatas kaugnay ng isyu sa West Philippine Sea (WPS).

Sinabi ni Lazaro na hindi siya magkokomento sa mga diskusyong ginagawa ng mga mambabatas, at iginiit na ang pokus ng DFA ay ang mga konkretong usapin ng foreign policy.

Lumabas ang pahayag ni Lazaro sa gitna ng mga kontrobersiyal na komento ng ilang opisyal sa WPS, kabilang ang umano’y pahayag ni Sen. Rodante Marcoleta ukol sa Kalayaan Island Group, na itinanggi naman ng senador bilang maling interpretasyon.

Samantala, nanawagan si Sen. Erwin Tulfo ng “ceasefire” sa palitan ng maaanghang na pahayag ng mga opisyal ng Pilipinas at China. Iginiit naman ng DFA na dapat kumilos ang mga Chinese diplomats sa isang “professional manner” sa paglalabas ng kanilang mga pahayag sa WPS. (report by Bombo Jai)