Humiling sina Sen. JV Ejercito at Sen. Raffy Tulfo na palitan si Chinese Ambassador Jing Quan bilang envoy sa Pilipinas, kasunod ng tensiyon sa pagitan ng Senado at ng Chinese Embassy sa Manila.
Ayon kay Ejercito, dapat hindi maging hostile ang mga diplomat sa host country. Pinaigting naman ni Tulfo ang punto, sinabi niyang si Jing ay “very aggressive at very sensitive” kumpara sa kanyang predecessor na si Huang Xilian. Para sa kapakanan ng relasyon ng Pilipinas at China, mas mainam aniya na magkaroon ng bagong ambassador.
Parehong iginiit ng mga senador na ang Senado ay simpleng ipinagtatanggol ang interes ng bansa at ang karapatan nitong magpahayag.
Nanawagan si Tulfo ng mas maayos na dialogue sa pagitan ng dalawang panig, habang si Sen. Robinhood Padilla ay nagpakita ng pag-unawa sa China ngunit sa huli ay sumang-ayon sa posisyon ng kanyang mga kasamahan.
Samantala, sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na ayaw na niyang makipag-engage sa embassy. (report by Bombo Jai)















