-- Advertisements --

Nagbabala si University of the Philippines (UP) Institute of Environmental Science and Meteorology Assistant Professor Bernard Alan Racoma sa posibleng kakulangan sa suplay ng tubig dahil sa inaasahang epekto ng El Niño.

Si Prof. Racoma ay nagsisilbi ring UP Resilience Institute Education Director, isang university-based institute na nakapokus sa kaligtasan, kahandaan, at science-informed disaster resilience ng bansa.

Ayon kay Dr. Racoma, maaaring umasa o dedepende lamang ang suplay ng tubig sa mga reserbang naipon sa mga dam mula sa mga serye ng pag-ulang dala ng hanging habagat na inaasahang magtatapos na rin ngayong lingo.

Paliwanag ng eksperto, hindi inaasahang makakapagdulot ng ‘significant’ volume ng ulan o karagdagang pag-ulan ang mga bagyo habang umiiral ang El Niño, kaya’t posibleng magiging limitado lamang ang supply ng tubig sa mga ilog, sapat, dam, at iba pang uri ng water cathment.

Dahil dito, kailangan aniyang magtulungan ang publiko sa pag-iipon at pagtitipid ng tubig upang hindi magiging labis ang kakulangan ng tubig sa peak ng El Niño.

Sa mga naunang pagtaya ng state weather bureu, maaaring lumakas at magpatuloy ang ‘very strong’ El Niño hanggang sa first half ng 2027.