-- Advertisements --
Magpapakalat ang Philippine National Police (PNP) ng nasa 11,000 na mga kapulisan para magbigay ng seguridad sa gaganaping ikatlong Trillion Peso March sa darating na Pebrero 25.
Sinabi ni PNP spokesperson Police Brigadier General Randulf Tuaño , na mayroon na silang mga planong inihanda ukol sa aktibidad na kasabay din ng 40th anibersaryo ng EDSA People Power.
Mayroong limang organisasyon na rin ang naglatag ng mga aktibidad para sa “prayer and indignation rally” sa Quezon City.
Ang nasabing pagdiriwang ay magsisimula mula Pebrero 22 hanggang 25 sa EDSA Shrine at sa People Power Monument.
Sa ngayon sinabi ni Tuano na wala pa silang mga natatanggap na pagbabanta na may kinalaman sa pagtitipon.
















