-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na kanilang bubuwagin ang mga iligal na tobacco networks.

Sinabi ni DILG Secretary Jonvic Remulla na hindi lamang mga maliliit na mga retailers ang kanilang target at sa halip ay yung mga malalaking negosyante na sangkot sa bentahan ng iligal na mga tobacco products.

May mahigpit din silang ugnayan sa mga ahensiya gaya ng Philippine Natonal Police, Bureau of Customs at iba pa.

Dagdag pa ng opisyal na ang iligal na tobacco trade ay nagkakaroon ng mga buwis na hindi nababayaran na aabot sa mahigit P3.5 milyon.