-- Advertisements --

Aabot sa 500 na mga biktima ng “war on-drugs” ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang humiling na iparehistro sila sa International Criminal Court (ICC).

Ayon sa apat na pahinang inilabas ng ICC Registry, nakatanggap ang ICC Pre-Trial Chamber 1 ng dagdag na mga applicants.

Naisumite na nila sa Chamber 227 ang aplikasyon ng nasa 500 na biktima.

Noong Enero 28, 2026 ay ipinag-utos ng Chamber ang Victim Participation and Reparations Section ng Registry na isinumite ito ng hanggang Pebrero 9.

Naglabas din kasi ang Chamber nitong Enero 26 ng desisyon na nag-ootorisa sa pagsali sa kaso ng nasa 39 na biktima.

Paglilinaw ng desisyon na ang mga biktima ng murder at attempted murders na nakamit mula Nobyembre 1, 2011 hanggang Enero 30, 2016 sa Davao City at maging ang mga biktima ng murders na naganap noong Enero 2016 hanggang Marso 2019 sa bansa ay sakop pa rin sa kaso ng dating pangulo.

Magugunitang noong Pebrero 10 ay inatasan ng Chamber ang depensa at prosecution na maghain ng updated na listahan ng ebidensiya na ipapasa ngayong Pebrero 13.

Una ng nagtala ang gobyerno ng 6,200 drug suspek ang napatay noong panahon ni Duterte bilang pangulo dahil sa anti-drug war nito.

Subalit taliwas ito sa listahan ng Human rights organization na mayroong mahigit 30,000 na mga nasawi.