-- Advertisements --

Kinumpirma ng Department of Justice na pormal ng nasampahan ng mga reklamo ang negosyanteng si Charlie ‘Atong’ Ang ukol sa pagkawala ng mga sabungero.

Ayon mimso kay Justice Spokesperson Atty. Polo Martinez, naihain na bilang kaso sa korte ang ‘kidnapping with homicide’ at ‘kidnapping with serious illegal detention’ laban kay Ang.

Aniya’y tuluyan ng naisampa ang mga ito nitong nakaraang Biyernes sa sa magkakahiwalay na ‘regional trial court’ ng Lipa City, Batangas, Sta. Cruz Laguna at San Pablo, Laguna.

Kung kaya’t inaasahan na ang naturang mga lokal na korte ang siyang mag-iisyu ng ‘warrant of arrest’ upang mapaaresto ang mga akusado kabilang na si Atong Ang.

Nasa korte aniya na raw kasi ang diskresyon o determinasyon kung may ‘probable cause’ ang mga ebidensya sa resolusyon isinumite ng prosekusyon ng Department of Justice.