-- Advertisements --

Malugod na tinananggap ng Department of Justice ang pagkakatalaga kay Atty. Melvin Matibag bilang bagong hepe ng National Bureau of Investigation.

Ayon mismo kay Justice Spokesperson Atty. Polo Martinez, ‘welcome’ sa kanila ang ‘appointment’ kay Matibag upang pamunuan ang kawanihan,

Kung kaya’t kanyang tiniyak ang pakikipagtulungan ng kagawaran sa bagong direktor ng ahensya kasabay ng bagong liderato nito.

Kasunod ang pahayag nang inaanunsyo ng palasyo ng Malakanyang na ang naturang abogado ang siyang napili para pumunuan ang kawanihan.

Papalitan ni Atty. Matibag si outgoing NBI Acting Director Angelito Magno na siyang kapapalit lamang kay former NBI Chief Jaime Santiago nitong Disyembre 2025.

Si Atty. Melvin Matibag ay maaalalang nagsilbi bilang ‘cabinet secretary’ ng nakalipas na administrasyon Dutertee at secretary general maging ng Partido Demokratiko Pilipino o PDP-Laban.

Subalit sa kabila nito’y, itinalaga siya upang magsilbing bagong direktor ng National Bureau of Investigation, nangunguna sa pag-iimbestiga at paghawak ng malalaking mga kaso tulad ng sa flood control.