Hinimok ni Department of Justice Secretary Fredderick Vida ang publiko na ipakansela ang kanilang Person’s With Disability (PWD) ID na nakuha sa maling pamamaraan.
Panawagan niya sa mamamayan na itaguyod at isabuhay ang pagiging tapat bilang iisang lahi, mga Pilipino.
Habang binalaan naman ng kalihim ang mga tauhan ng ilang ahensiya na nag-iisyu ng naturang ‘card’ kahit hindi naman ‘qualified’ ang pagbibigyan nito.
Mananagot aniya ang mga sangkot sa ganitong uri ng gawain sa ilalim ng batas partikular sa Republic Act No. 3019 o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Bukod sa mga kawani, mananagot din aniya ang mga doktor na patuloy sa paglagda ng pekeng sertipiko sapagkat saklaw sa probisyon ng Revised Penal Code ng ‘falsified medical certificate’.
Kasabay ang babala’t panawagan matapos ikaalarma ng DOJ ang aabot sa 8.5-milyon gumagamit ng pekeng PWD ID’s kumpara sa 2.8-milyon lamang na rehistrado.
















