-- Advertisements --

Ngayong araw ay inaasahan na magsasagawa ang iba’t ibang mga grupo ng kani-kanilang rally at demonstrasyon kasabay ng naturang selebrasyon.

Kabilang rito ang inorganisa ng mga progresibong grupo sa ilalim ng EDSA40 Alliance na gaganapin sa EDSA-Ortigas Avenue kalapit ng simbahan o ang EDSA Shrine.

Habang ang kilusang grupo na Trillion Peso March Movement, TINDIG Pilipinas, at Akbayan ay magdaraos naman ng hiwalay na programa sa EDSA People Power Monument.

Nitong nakaraan, naging matagumpay ang naganap na paunang aktibidad na tinawag na People Power 40 Kick-off Concert sa Quezon Memorial Circle na inorganisa nina Sen. Bam Aquino, Quezon City Mayor Joy Belmonte, Kaya Natin! at Mayors for Good Governance.

Mahigit 20-libong katao ang dumalo rito, karamihan ay mga kabataan.

Tinawag naman ‘Champions of Good Governance’ ng Kaya Natin! Movement for Good Governance and Ethical Leadership nang magsama-sama sa pagdalo sa isang event sa Malacanang sina Sen. Aquino, Naga City Mayor Leni Robredo at Mayor Belmonte, na kasalukuyang chairperson ng grupong Kaya Natin!

Kapwa dalawang ulit nang nakipagkita sina Mayor Leni at Sen. Bam kay Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa signing ng memorandum of agreement sa pagpapatayo ng mga classroom at inspeksyon naman sa mga operasyon kontra baha sa Naga City.

Kung kaya’y sa naganap na konsyerto kontra korapsyon, naniniwala ang grupo na ito’y nagbigay daan upang maaalalang muli ang diwa ng unang EDSA People Power noong 1986.

Dahil rito’y positibong inihahatid ang patuloy na panawagan pagpapanagot sa lahat ng mga sangkot at tiwaling opisyal sa isyu ng korapsyon sa Pilipinas.