-- Advertisements --

Naging sulit ang ginawang paghabol ng Barangay Ginebra para tuluyang talunin ang Titan 108-105 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup na ginanap sa Smart Araneta.

Ito na ang pang-limang sunod na panalo ng Gin Kings kung saan mayroon silang pitong panalo at apat na talo.

Dahil dito ay pasok na sila sa quarterfinals kung saan makakaharap nila ang Converge.

Bumida sa panalo ng Kings si Stephen Holt na nagtala ng 27 points habang mayroong 24 points si RJ Abarrientos.

Umabot pa sa 16 ang kalamangan ng Titan subalit hindi bumitaw ang Ginebra at kanilang hinabol ito at tuluyang nakuha ang panalo.

Hindi naman umubra ang ginawang 31 points mula kay Joshua Munzon at 28 points at 11 rebounds ni Calvin Abueva para sa Titan.