-- Advertisements --

Nakatakdang pumirma si NBA superstar Stephen Curry sa 2-year extension contract sa Golden State Warriors.

Ang naturang kontrata ay nagkakahalaga ng $116 million at magtatagal hanggang sa ika-20 season ni Steph sa NBA.

Sa ngayon, wala pang ibang detalyeng inilalabas ang koponan ukol sa naturang kontrata.

Sa 2025-26 NBA Season, napanatili ni Curry ang average na 26.6 points at 4.7 assists per game.

Bagaman umabot lamang sa 43 games ang kaniyang inilaro mula sa 82 regular season games, labis namang ibinababad ang superstar sa hardcourt, hawak ang average na 30.9 minutes per game sa court.

Napanatili rin ng Golden State star guard ang impresibong shooting percentage sa kabila ng kaniyang edad na 38.

Hawak niya ang 39.3% mula sa labas ng 3-point range, 46.8% overall, at 92.3% sa free throw line.

Nagawa ng NBA superstar na dalhin sa finals ang Golden State Warriors sa anim na pagkakataon sa loob ng 17 season na kaniyang pananatili sa koponan. Apat dito ay pawang nagresulta sa championship trophy.