-- Advertisements --
Pinatawan ng $35,000 na multa si Los Angeles Lakers guard Marcus Smart.
Kasunod ito sa ginawang pagmumura niya sa mga referee.
Nangyari ang insidente sa panalo ng Lakers laban sa Utah Jazz 143-135.
Makikita ang ginawang pag-middle finger ni Smart sa mga ref at game offiicials.
Unang pinatawan siya ng technical foul dahil sa labis na pagrereklamo sa mga officials.
Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na pinatawan ng multa si Smart dahil sa noong nakaraang mga laro ay naharap na rin siya sa mga parusa.
Noong 2017 ay pinatawan siya ng $25-K na multa dahil sa pagmumura sa fans habang noong 2020 ay $15,000 ang ipinataw dahil sa pagbatikos sa mga referee at noong 2023 naman ay $35,000 dahil sa hindi tamang asal sa laro.















