-- Advertisements --
Nabigong makausad sa finals ng Abu Dhabi Open sina Pinay tennis star Alex Eala at Janice Tjen ng Indonesia.
Hindi umubra ang dalawa sa kumbinasyon ninaTereza Mihalikova ng Slovakia at Olivia Nicholls ng Great Britain sa score na 6-4, 6-2 sa semifinals round.
Pinilit nina Eala at Tjen na humabol pa sa puntos sa laro na nagtapos ng isang oras at 16 na minuto.
Sa second set ay hinabol nina Eala at Tjen ang 0-3 subalit hindi pa rin sila umubra hanggang tinapos nina Mihalikova at Nicholls anglaro.
Magugunitang maagang natapos ang kampanya ni Eala sa womens singles ng mabigo ito sa quarterfinals kay Ekaterina Alexandrova.














