-- Advertisements --

Inilabas na ng Gilas Pilipinas ang line-up nila na sasabak sa Southeast Asian Games.

Pangungunahan ni Norman Black na magiging coach ng men’s national basketball team.

Siya kasi ang naging coach noon ng makuha ng men’s national basketball team ang gold medal sa SEA Games noong 2011.

Ayon sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na ang lineup ay kinabibilangan ng professionals at college players na sumailalim sa apat na revision dahil sa eligibility requirerments ng organizers ng SEA Games.

Ang lineups ay binubuo nina: Jamie Malonzo, Dalph Panopio, Thirdy Ravena, Matthew Wright, Ray Parks, Ced Manzano, Justin Chua , Robert Bolick, Von Pessumal, Allen Liwag, Abu Tratter at Veejay Pre.

Magsisimula ang SEA Games mula Disyembre 9 hanggang 20 sa Bangkok, Thailand.