-- Advertisements --

Inihayag ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III nitong Miyerkoles ang pangako ng Kongreso na panatilihin ang dignidad, kaligtasan, at pantay na boses ng kababaihan, kasabay ng pagdiriwang ng Women’s Month.

Ani Dy, tungkulin ng mga mambabatas na tiyakin ang respeto at proteksyon sa kababaihan, lalo na sa kanilang mga salita at kilos.

Nagbigay din siya pugay sa mga kababaihang katuwang ng Kongreso sa pagpapaunlad at reporma ng bansa.

Binigyang-diin ni Dy na ang pagtataguyod ng karapatan at kapakanan ng kababaihan ay dapat isabuhay araw-araw, hindi lamang tuwing Women’s Month. (report by Bombo Jai)