-- Advertisements --

Nakakuha na ng Philippine passports sina Malick Diouf at Elizabeth Means matapos na maaprubahan ng Senado ang kanilang naturalization.

Ibinahagi ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang mga larawan ng dalawa habang nasa Office of Consular Affairs.

Inanunsiyo din ng SBP ang pagkuha nila ng passport at itinuturing na opisyal na silang Filipino citizens.

Pinasalamatan ng SBP ang mga mambabatas at ang Office of the President dahil sa pag-apruba ng naturalization ng dalawa.

Natitiyak ng SBP na ang dalawa ay may malaking tulong para sa Gilas Pilipinas.