-- Advertisements --
Nailigtas ang nasa 200 na pasahero ng river cruise boat matapos na ito ay mabangga ng oil tanker sa Mississippi River.
Nagresulta sa pagbaligtad ng paddlwheeler habang ito ay naka-daong.
Dahil dito ay agad na tumalon ang 197 na pasahero na sakay ng bangka.
Itinuturing ni Louisiana Governor Jeff Landry na isang milagro ang nangyaring ito sa nasabing bangka.
Dinala naman sa pagamutan ang 32 na pasahero matapos na magtamo ang mga ito ng sugat sa katawan.
Base sa inisyal na imbestigasyon na tila nawalan ng kontrol ang Atlantic Asphalt.
Nagsasagawa pa ng malalimang imbestigasyon ang mga otoridad ukol sa nasabing insidente.










