-- Advertisements --
Nagmatigas si US President Donald Trump na hindi nito tatanggapin ang anumang hiling ng Iran na magkaroon ng pag-uusap.
Sinabi nito na mahalaga n na magkaroon muna ng “unconditional surrender” ang Iran.
Dagdag pa nito na ang layon ng US ay hindi ang pagkakaroon ng pag-uusap at sa halip ay matigil na ang anumang nuclear enrichment ng Iran.
Una rito ay ibinunyag ni Iranian President Masoud Pezeshkian na may ilang mga bansa ang nais na mamamagitan para magkaroon ng pag-uusap sa pagitan nila ng US.
Magugunitang lumawak pa ang nasabing giyera sa Gitnang Silangan kung saan ilang mga bansa na ang inatake ng Iran bilang ganti sa ginawa sa kanila ng US at Israel.
















