-- Advertisements --

Inakusahan ni Ukrainian President Volodymr Zelensky ang Russia na gumagawa ng paraan para hindi sila magkaharap ni Russia President Vladimir Putin.

Sinabi ng Ukrainian President na binabaligtad umano ng ilang opisyal ng Russia ang sitwasyon kahit na sila ang may ayaw na matapos ang giyera.

Una ng inamin ni US President Donald Trump na mahirap na pagharapin ang lider ng Russia at Ukraine.

Magugunitang noong nakaraang linggo ng magkita sa Alaska sina Trump at Putin.

Pagkatapos naman ng ilang araw ay binisita naman ni Zelensky kasama ang ilang lider ng Europa si Trump para isulong ang ceasefire at matapos na ang giyera.