-- Advertisements --

Nanindigan si Ukrainian President Volodymyr Zelensky na hindi sila titigil para ipaglaban ang kanilang kalayaan.

Ito ang naging laman ng mensahe niya sa pagdiriwang na araw ng kalayaan ng Urkaine.

Sinabi nito na kailangan ng bansa ang kapayapaan na ang magdidikta ay sila lamang.

Hindi aniya biktima ang Ukraine at sa halip isang fighter kung saan hindi pa man nanalo sila ay hindi naman sila talo.

Kasabay din nito ay nagkaroon ng prisoners swap sa pagitan ng Russia at Ukraine kung saan mayroong 146 na mga sundalo ang pinakawalan.