May mga nakapilang torneo pa na lalahukan si Pinay tennis sensation Alex Eala.
Ito ay matapos ang kauna-unahan niyang paglalaro sa US Open nitong nakaraang linggo kung saan umabot siya ng hanggang ikalawang round.
Nagpapasalamat si Eala sa mga fans na sumuporta sa kaniya lalo na ang mga nanood ng kaniyang laro sa New York.
Marami aniya siyang natutunan na mga aral mula sa pagkatalo na kaniyang gagawin sa mga torneo na lalahukan.
Magugunitang umukit ng kasaysayan si Eala matapos ang tagumpay nito sa unang round laban kay World Number 15 na si Clara Tauson.
Subalit pagdating ng ikalawang round ay nabigo na ito kay Cristina Bucsa ng Spain.
Nakatuon ngayon ito sa pagsali sa Guadalajara Open Akron sa Mexico at Sao Paulo Open sa Brazil.
Pagkatapos noon ay sasabak din ito sa mga torneo sa Beijing, Wuhan at Hong Kong at posible sa Japan bago ang pagbandera niya sa Southeast Asian Games sa buwan ng Disyembre.