-- Advertisements --

Dumepensa si Oscar-winning director na si Woody Allen sa kaniyang pagdalo sa Moscow Film Festival.

Kasunod ito sa naging puna at batikos na kaniyang natatangap mula sa mga gobyerno ng Ukraine.

Sinabi nito na kapag ang pag-uusapan ang giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia ay pinaniniwalaan niya na maling-mali si Russian President Vladimir Putin.

Subalit kahit na anong pagkakamali na ginawa ng isang pulitiko ay hindi niya tatanggalin ang pagsulong ng sining bilang pagtulong.

Magugunitang binatikos ng Ministry of Foreign Affairs ng Ukraine ang pagdalo ni Allen sa Moscow International Film Week dahil sa parang binabalewala nito ang sakripisyo ng mga sundalo at actor mula sa Ukraine.