-- Advertisements --

Kinasuhan ng ama ng nasawing maritime student na si Mark Kenneth Alcedo dahil sa hazing ang 14 na miyembro ng Tau Gamma Phi.

Ayon kay Elegio Alcedo na dapat tumulong ang fraternity na isuko ang kanilang mga miyembro na sangkot.

Dagdag pa nito na hindi ito kuntento sa pagsuko ng unang apat na suspek sa General Trias Police station.

Sa kasalukuyan ay mayroong anim na suspek ang nasa kustodiya ng kapulisan kasama ang 12 na nahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Hazing Law.

Giit ng ama nito na malinaw na hindi lamang hazing ang at sa halip ay binugbog ito ng hindi bababa sa 20 mga fraternity members.

Patuloy din panawagan ng mga kapulisan sa fraternity leaders na isuko ang mga sangkot na sa nasabing hazing.