-- Advertisements --
Pormal ng naiproklama bilang bagong congressional representative ng ika-apat na Distrito ng Cavite si Dasmariñas City Mayor Jennifer “Jenny” Barzaga.
Papalitan ng alkalde ang anak nitong si Kiko Barzaga matapos na masibak ito dahil sa hindi magandang asal sa House of Representatives noong Hunyo 2, 2026.
Nakakuha si Barzaga ng 201,893 na boto na siyang pinakamaraming boto na nakuha sa mga katunggali nito si dating vice mayor Raul Rex Rosario Mangubat.
Papalit naman sa kaniya bilang alkalde ng lungsod ang isang anak nito na si Vice Mayor Third Barzaga.
Magugunitang isinagawa ang special election nitong Sabado,Agosto 29 para mapunan ang binakanteng puwesto ni Kiko Barzaga.
















