-- Advertisements --

‎‎Arestado ang isang pulis dahil sa pamamaril sa tatlong katao sa Cavite.

‎Base sa inisyal na imbestigasyon, nirespondihan ng mga kapulisan ang isang tawag na mayroong pamamaril na naganap sa isang resort sa Maragondon, Cavite dakong 1:30 ng umaga nitong Agosto 12.

‎Nakilala ang naarestong suspek na si PCpl Rolando Periodico Jr, 35-anyos na nakatalaga sa Trece Maritires Police station.

‎Habang ang mga biktima ay nakilala na sina Arjay Mojica, nasa hustong edad at residente ng Magallanes, Cavite; PCPL Novinidhon Climacosa, PNP member na nakatalaga sa Ternate Cavite Police Station at si PSSg Junmark Sisante, na nakatalaga sa Magallanes Municioal Station.

‎Nasawi sa insidenre si Sisante at sibilyan na si Mojica.‎Ayon sa mga otoridad na parehas na nasa impluwensya ng alak ang mga biktima at suspek kung saan nagkaalitan ang mga ito sa parking area ng resort.

‎Agad namang naaresto ng mga otoridad ang susoek na si Periodico.

‎Nabawi sa crime scene ang dalawang 9mm pistols kabilang ang Glock 17 na naka issue sa suspek at isang Pietro Beretta na baril na naka assigned sa biktima.

‎Agad naman na tinanggal sa puwesto ang Chief of Police ng Maragondon Police station at inilagay sa Cavite Personnel Holding and Accounting Section (PHASI).

‎Patuloy naman na iniimbestigahan ng mga otoridad ang nasabing pamamaril.