Nagtungo si Commission on Elections (Comelec) Chairperson George Erwin Garcia sa pasilidad ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Lungsod ng Dasmariñas upang personal na pangasiwaan ang pagboto ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL) ngayong Sabado, Agosto 29.
Isinagawa ang naturang espesyal na halalan upang mapunan ang nabakanteng pwesto sa mababang kapulungan para sa ika-apat na legislative district ng Cavite.
Nag-ugat ang bakanteng posisyon matapos opisyal na patalsikin ng House of Representatives si dating Cavite 4th District Representative Kiko Barzaga dahil sa ipinakita nitong disruptive at disorderly behavior sa kapulungan.
Tiniyak ng poll body na magiging maayos ang proseso ng pagboto sa loob ng pasilidad upang maipatupad ang karapatan sa pagpili ng liderato maging ng mga nakakulong na kwalipikadong botante sa lungsod.
















