“Show up or shut up.”
Ito ang mensahe Manila 6th District Representative Bienvenido “Benny” Abante Jr. kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong dahil sa pagtanggi nitong humingi ng paumanhin sa mga mambabatas at sa halip ay nagpatuloy sa malawak na mga akusasyon na nag-uugnay sa mga miyembro ng Kongreso sa mga hindi wastong flood control projects.
Sinabi ni Abante, na ang pagsuway ni Magalong ay lalo lamang nagiging insulto sa institusyon at nagiging masama ang imahe ng mga mambabatas na nakatuon sa pagtupad ng kanilang mandato bilang mga kinatawan ng tao.
“Mayor Magalong says he will not apologize. Then he must do the honorable thing: appear at our hearings, name names, submit documents, and testify under oath,” pahayag ni Abante.
Nagbabala si Abante na ang walang ingat na mga salita ni Magalong ay hindi makatarungan at hindi kinakailangan na pinapahina ang tiwala sa mga institusyon tulad ng Kamara na nais ding tugunan ang katiwalian sa mga proyekto sa pagpigil sa pagbaha.
Itinuro ng beteranong mambabatas na “Walang monopolyo ng mabuting hangarin si Mayor Magalong.
Ayon sa Kongresista nais din nila malaman kung sino ang kumikita sa paghihirap ng ating mga kababayan.
“Pero imbes na magtulungan tayo, sinasabi niyang moro-moro ang aming imbestigasyon; para bang lahat kaming kongresista ay kasabwat,” wika ni Abante.
Sinabi ni Abante ang mga ganitong reckless claimes ng alkalde ay nakakasira sa reputasyon ng 300 members ng Kamara.
Nakatakda ng simulan ng ng house tri-committee para imbestigahan ang mga maanomalyang flood control projects.
“If he is truly concerned about the Filipino people, then let him have the courage to appear in Congress. Matapang lang ata si Magalong pag kaharap ang media,” dagdag pa ni Abante.