-- Advertisements --
Nakapag-freeze na ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) ng kabuuang P22.869 billion assets kaugnay sa maanomaliyang flood control projects.
Ito ay sa bisa ng inisyung 15 freeze orders ng Court of Appeals.
Saklaw sa mga freeze order ang 724 na indibidwal at 537 entities gaya ng mga construction firm.
Kabilang sa mga asset na na-freeze ay bank accounts, real properties, insurance policies, motor vehicles,air assets, e-wallet at securities accounts.
Ayon sa AMLC, posibleng maghain sila ng forfeiture case para sa pagsasauli ng assets makalipas ang anim na buwan.
















