-- Advertisements --

Sinsiyasat na ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang mga pangalan ng ilang mga contractors na sangkot sa maanomalyang flood control projects.

Ayon kay Bangko Sentral Governor and AMLC Chairman Eli Remolona, na normal na ginagawa nila ang pag-aaral sa ilang mga pangalan.

Inaaral nila ang ilang mga kahina-hinalang transaction reports mula sa mga bangko at kung may lumabas na pangalan ay agad nila itong iimbestigahan.

May ilang mga pangalan na silang nakalista subalit hindi na ito nagbigay pa ng ibang mga detalye.

Magugunitang inilabas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang pangalan ng 15 contractors na nakakuha ng 20 percents ng halos 10,000 flood control projects mula pa noong 2022.