Muling nanawagan si US President Donald Trump kay Russian President Vladimir Putin at Ukrainian President Volodymyr Zelensky na ituloy ang pag-uusap.
Sinabi nito na maari nilang gawin ang pag-uusap kahit hindi na siya kasama o dadalo.
Inamin ng US President na ang alitan ng dalawa ay mahirap na maresolba dahil sa hindi nagpapakita si Putin ng interest na matapos na ang giyera.
Hihintayin nila ang tugon ng Russian President at kung sakaling magmatigas ay mahaharap ito sa mabigat na sitwasyon.
Hindi naman na binanggit ni Trump kung ano ang kahihinatnan ng Russia sakaling magmatigas ito.
Una ng sinabi ni Putin na bukas ito sa direktang pakikipag-usap sa pangulo ng Ukraine subalit pagkatapos ng ilang araw ay binawi ni Foreign Minister Sergei Lavrov ng Russia ang pahayag ng pangulo ng Russia.