Nagkasundo na ang Estados Unidos at Iran na magsawa ng dayalogo sa Oman sa Biyernes kahit na wala pang malinaw na agenda para sa gaganaping dayalogo.
Una nang sinabi ng Washington na ang gagawing pag-uusap ay nakatuon sa missile arsenal ng Tehran at ang nuclear program nito.
Kung maalala tumindi ang tensyon ng dalawang bansa dahil sa malawakang patayan sa Iran laban sa mga demonstrador at ang pagpapadala ng mas maraming pwersa ng US sa middle east, gayundin ang babala ni U.S. President Donald Trump na anumang oras ay nakatakda itong bombahin ang Iran.
Sa kabilang banda napag-alaman na sina US special envoy Steve Witkoff, Trump son-in-law Jared Kushner, at Iranian Foreign Minister Abbas Araqchi ang nakatakdang mag-usap hinggil sa kahihinatnan ng tensyon sa rehiyon.
Habang ang venue ng pag-uusap ay nais ipalipat sa Istanbul, ayon sa kagustuhan ng Iran.
Babala pa ng Amerika na ang hindi pag-tugon ng Tehran sa kasunduan ay maaaring magdulot ng masamang pangitain sa bansa. Kumpiyansa naman ang envoy ng Iran na makakabuo ang dalawang bansa ng kasunduan na maaaring mag-alis ng mga Western sanctions.
Samantala ang lumalawak na tensyon ay nagdulot din ng pangamba sa ekonomiya ng Iran kung saan apektado na nito ang pagtaas ng presyo ng langis, at ang banta ng posibleng airstrikes.
















